Dinukot na Taiwanese nailigtas ng PNP

Nailigtas ng mga tauhan ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police ang dinukot na isang Taiwanese national sa Parañaque City.

Nakilala ang nailigtas na dayuhan na si Wu Keng Hao.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, isinagawa ang rescue operation matapos silang makatanggap ng ulat sa pagdukot sa biktima.

Inabutan ng mga awtoridad ang biktima na mag-isa sa loob ng silid sa isang gusali sa Parañaque City.

Siniguro naman ng opisyal na magsasagawa sila ng malalimang imbestigasyon sa insidente at manhunt operation laban sa mga suspek.

Read more...