Panukalang amyenda sa Anti-drugs Law lusot na sa Kamara

FILE PHOTO

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala upang amyemdahan sa ilang probisyon ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa botong, 188-Yes, 11-No at 9-Abstain, pinagtibay ng Kamara ang House Bill 7814 o An Act Strengthening Drug Prevention and Control.

Sa ilalim nito,  magkakaroon ng “legal presumptions” laban sa mga personalidad na kinukunsiderang nagkakanlong o protector at financier ng drug suspects at mga sindikato; importers at exporters; maging ang manufacturers ng mga ilegal na droga; at consenting lessors ng mga lugar na ginagamit bilang laboratory o drug drugs.

Nakasaad din dito ang amyemda sa Section 21 ng batas, kung saan gagawin nang mandatory ang pagsusuot ng body cameras ng mga law enforcer tuwing may anti-drug operations.

Nauna nang sinabi ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Robert Ace Barbers na layon ng panukala na mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga sa bansa.

Karamihan sa mga bumotong tutol, nababahala dahil kapag naging ganap na batas ang panukala ay magagamit at magpapalala  sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa kabila naman ng pagkakapasa nito sa Kamara, nabatid na walang kahalintulad na bersyon nito sa Senado.

Read more...