Northern at Central Luzon apektado pa rin ng Amihan

Apektado ng umiiral na Northeast Monsoon o Amihan ang Northern at Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora at lalawigan ng Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan dulot ng Amihan.

Magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rains ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa Amihan.

Ang iba pang bahagi ng bansa naman ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated rains dulot ng mga localized thurderstorm.

Ang araw ay sumikat 6:12 ng umaga at inaasahang lulubong 6:05 ng gabi.

Read more...