Open-heart surgery ni Doris Bigornia, naging matagumpay

Naging matagumpay ang isinagawang open-heart surgery sa beteranong TV reporter na si Doris Bigornia.

Inanunsiyo ito ng kaniyang anak na si Nikki Bigornia-Islanan sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account.

Nagpasalamat si Nikki sa lahat ng nag-alay ng panalangin para sa paggaling ng TV reporter.

“Subalit, patuloy po kaming humihingi ng inyong mga dasal para sa tuluy-tuloy na recovery ni mommy,” saad nito.

Naiparating aniya niya sa tinaguriang ‘Mutya ng Masa’ ang mga natatanggap na mensahe at pagmamahal.

“Siya po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat,” pahayag ni Nikki.

Noong February 22, 2020 inanunsiyo ni Alvin Elchico sa kanilang programa ni Doris na inatake sa puso ang TV reporter.

Read more...