Ayon kay House Sergeant at Arms General Nicasio Radovan Jr., ang mga nasabing CCTV ay ipapakalat sa buong Batasan Complex, lalo na sa loob ng plenaryo.
Papalitan na rin aniya ang mga lumang CCTV na ang iba ay hindi na gumagana.
Sinabi ni Radovan na target ng Kamara na matapos ang installation ng mga bagong CCTV hanggang Abril 15, upang may sapat na panahon silang maisailalim ito sa testing bago ang May 9 elections.
Aabot aniya sa 54 million pesos ang inilaang pondo para sa mga nasabing CCTV.
Matatandaang naungkat noong sa pagdinig sa Kamara na panay mga sira ang CCTV sa Batasan.
Kinumpirma rin ni Radovan na bumuo na rin ang Kamara ng “task force canvassing” na mangangasiwa sa lahat ng preparasyon para sa canvassing.
Makakatuwang naman aniya nila pagdating sa security ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.