PNoy, dapat ding makasuhan kaugnay sa Mamasapano encounter

Mamasapano
Inquirer file photo

Dapat din papanagutin si Pangulong Noynoy Aquino sa naganap na madugong Mamasapano incident.

Ito ang iginiit ng Kabataan Partylist kasunod ng resolusyon ng Office of the Ombudsman na nakitaan nila ng probable cause para kasuhan sa Sandiganbayan ang sinibak na si PNP chief Alan Purisima at si dating PNP Special Action Forces (SAF) chief Getulio Napeñas.

Ang dalawa ay nauna nang nahaharap sa Usurpation of Authority of Official Functions at paglabag sa Section 3(a) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa naging papel nila sa Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015 na ikinamatay ng tinaguriang SAF 44.

Ayon sa Kabataaan partylist, hindi sila kuntento sa naging pasya ng Ombudsman dahil hindi kasama sa rekomendasyon nito si Pangulong Aquino, na siyang mastermind at overall head ng kaganapan.

Kung hindi kakasuhan ng Ombudsman si Aquino ngayon, pagtitiyak ng Kabataan Partylist na sila na mismo ang maghahanda ng kaso na isasampa laban kay PNoy, pagbaba nito sa posisyon sa Hunyo.

Sinabi ng grupo na lagi na lamang umaasa ang Pangulo sa mga tao nito na magtanggol at sumagot sa mga pagkakamali na siya naman ang may pangunahing papel.

Read more...