Ang 900 million pesos ay bahagi ng 19 billion pesos package na inilaan para alalayan ang mga magsasakang nasira ang mga pananim dahil sa matinding tagtuyot.
Ayon sa DBM, walang iniipit na pondo ang ahensiya, dahil naipalabas na ang quick response fund (QRF) para maalalayan at hindi mamiligro ang kundisyon ng mga komunidad na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa El Niño.
Nauna ng ipinaliwanag ng DBM na nakapagpalabas na sila ng 12.79 billion pesos sa National Irrigation Administration hanggang buwan ng Marso para mapalawak ang irrigation system sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Bukod pa dito, ang 5.3 billion pesos na subsidiya ng gobyerno sa Philippine Coconut Authority at National Food Authority para sa implementasyon ng Food Security Program kung saan ang ahensiya ang direktang bibili ng palay sa mga magsasaka.
Kaugnay nito hinamon ng ahensiya na dapat maging makatotohanan ang mga kandidato sa kanilang mga bintang at huwag gumawa ng kuwento para lamang makakuha ng boto.