(Courtesy: Manila PIO)
Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang ceremonial vaccination program sa mga medical frontliners sa Sta. Ana Hospital sa Manila.
Ayon kay Mayor Isko, kasama sa mga naunang nabakunahan si Manila Vice Mayor Honey Lacuna na isang doktor, Acting City Health Officer Arnold “Poks” Pangan, Sta. Ana Hospital Director Dra. Grace Padilla, Sta. Ana’s Manila Infectious Disease Control Center Head Dra. Nerissa Sescon, Ospital ng Sampaloc Director Dra. Aileen Lacsamana, at Ospital ng Maynila Medical Center Karl Laqui.
Ayon kay Mayor Isko, gusto na sana niyang maunang magpaturok pero kailangan munang unahin ang mga frontliners.
“Gustong-gusto ko ma magpabakuna ng Sinovac. Pitong beses na akong na-expose sa COVID-19 positive. Salamat sa Diyos, pitong beses na rin akong nag-negative,” pahayag ni Mayor Isko.
“Araw-araw akong nasa risk tulad ng ibang mga mayor. Pero patuloy pa rin tayong susunod sa national policy na unahin ang mga medical frontliner. I will wait for my turn,” pahayag ng alkalde.
Aabot sa 3,000 vials ng Covid 19 vaccine ang ibinigay sa Sta. Ana Hospital.