Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dismissal order mula sa serbisyo ni dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.
Ito ay matapos mahuli sa CCTV na minamaltrato ni Mauro ang kanyang Filipinong kasambahay sa Brazil.
Ayon sa Pangulo, wala ring matatanggap na benepisyo si Mauro pati na lahat ng mga prebilihiyo.
“Sorry, iyong ambassador doon sa Brazil who maltreated a household helper, ito repeatedly inflicted physical harm doon sa tao. The recommendation was — and I am — I signed the… When was it? The other day or last night?” ayon sa Pangulo.
“I signed the document affirming the decision. The decision metes out the penalty of dismissal from the service with the accessory penalties of cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits, perpetual disqualification from holding public office and bar from taking Civil Service examination. Iyan ho ang… Iyon ang ano — iyan ang parusa niya,” pahayag ng Pangulo.
Base sa CCTV, hinahampas ng payong, pinipingot ang tainga at sinasampal ni Mauro ang Filipinang kasambahay.