Dumating na sa Philippine National Police (PNP) General Hospital ang 800 bakuna kontra COVID-19 mula sa Sinovac.
Batay sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP Chief General Debold Sinas na 800 PNP medical officers, at healthcare frontliners ang unang matuturukan ng bakuna na dumating noong araw ng Linggo, February 28.
“The Philippine National Police is grateful to be included in the priority list of the Philippine National Deployment and Vaccination Plan for COVID-19 Vaccines,” pahayag ng hepe ng pambansang pulisya.
“Also considered in the PNP priority list for the succeeding batches of vaccine roll-out are those who will be fielded to assist DOH personnel in administering the vaccine, members of the PNP Medical Reserve Force, and other police frontliners,” dagdag pa nito.
Tiwala aniya ang hanay ng PNP na magsisilbing “game changer” ang vaccine roll-out kasabay ng whole-of-nation response sa national health crisis.