Mayor Francis Zamora, nagpositibo sa COVID-19

Tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 si San Juan City Mayor Francis Zamora.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng alkalde na araw ng Lunes, March 1, nang lumabas ang resulta ng kaniyang routine swab test, Linggo ng gabi (February 28).

Asymptomatic naman aniya siya at nasa maayos na kondisyon.

Nagdesisyon si Zamora na sumailalim sa quarantine sa Cardinal Santos Medical Center upang matiyak na hindi mahahawa ng sakit ang ibang residente sa komunidad kabilang ang kaniyang mga anak at asawa.

“To everyone that I have come in contact with the past few days, kindly have yourself tested. We can arrange for a free RT-PCR swab test for you,” pahayag ng alkalde.

Maaari aniyang makipag-ugnayan kay City Health Officer Dr. Rosalie Sto. Domingo sa COVID-19 Operations Center sa San Juan City Hall mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Read more...