P1.7-M halaga ng shabu, nasabat sa Zamboanga City

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang police sting operation sa Zamboanga City, Linggo ng hapon.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas ang drug suspect na si Almutlah Maharan alyas “Mutla,” 39-anyos.

Nahuli si Maharan ng mga tauhan ng Special Drugs Enforcement Team ng Zamboanga City Police Station-11.

Nakumpiska sa drug suspect ang limang malalaking sachet ng hinihinalang shabu na may estimated value ng P1.7 milyon.

Si Marahan ay nasa kustodiya ng Zamboanga CPS habang hinihintay ang isasampang kaso.

Read more...