Mga gumaling na overseas Filipino sa COVID-19, sumampa na sa 9,400

May 17 bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 1, nasa 14,914 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 87 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 4,496 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

21 naman ang bagong gumaling kung kaya 9,400 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,018 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,131 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 2,983 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 874 naman ang kaso sa Americas at 2,926 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...