Ilang opisyal ng gobyerno, nakatanggap na ng bakuna vs COVID-19

Naturukan na ang ilang opisyal ng gobyerno ng bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Nabigyan ng unang dose ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac si National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Philippine General Hospital (PGH).

Kasabay ito ng paglulunsad ng national vaccination program kontra sa nakakahawang sakit.

Nagpabakuna na rin si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos upang maibsan ang agam-agam ng publiko sa vaccine.

“Gusto kong maging halimbawa sa lahat na maganda ang maidudulot sa atin ng pagpapabakuna kaya nagboluntaryo ako,” pahayag nito.

MMDA photo

Si PGH Director Gerardo Legaspi ang unang nakatanggap ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Read more...