Pagsisimula ng COVID-19 vaccination, magandang balita – Speaker Velasco

Kuha ni Erwin Aguilon

Welcome development para kay Speaker Lord Allan Velasco na nasimulan na ang pagdating ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Ayon kay Velasco, tiyak na sunud-sunod na ang pagdating ng mga bakuna.

Aniya, ginagawa ng ehekutibo at lehislatura ang lahat ng paraan tulad ng pag-apruba ng batas na magpapabilis sa roll-out ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang Speaker na maunang mabakunahan upang maipakita sa mga tao na kailangan na talaga ang bakuna para makontrol ang virus at hindi ito dapat katakutan.

Naniniwala rin si Velasco na nasa mas magandang posisyon na ang bansa sa paglaban sa COVID-19 at malaki na ang pagasa na makamit ang herd immunity dahil sa pag-uumpisa ng vaccination program.

Araw ng Lunes (March 1), muling nagkaroon ng physical flag raising ceremony sa Batasang Pambansa matapos ang halos isang taon.

Sabi ni Velasco, ginawa nila ito upang ipakita na kayang mag-adjust ng Kamara sa ‘new normal’ gayundin para sabihin na ligtas sa Batasang Pambansa.

Arae ng Linggo, February 28, ay dumating sa bansa ang 600,000 doses ng COVID-19 vaccines na Sinovac at inaasahan pa ang pagdating ng ibang bakuna tulad ng 525,600 doses ng COVID-19 vaccines ng AstraZeneca.

Read more...