Suspendido pa rin ang number coding scheme, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ng ahensya na “until further notice” epektibo ang suspensyon ng number coding.
Ayon sa MMDA, suspendido ang number coding scheme habang patuloy ang pagpapatupad ng general community quarantine sa Metro Manila sa buong buwan ng Marso.
Epektibo rin anila ang suspensyon habang isinasaayos pa ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan.
MOST READ
LATEST STORIES