Sec. Duque at Sec. Galvez magpapabakuna ng Sinovac bukas

Photo taken from UNB via The Daily Star/Asia News Network

Pangungunahan nina Health Secretary Francisco Duque III at National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang pagpapabakuna bukas, araw ng Lunes.

Ayon kay Senator Bong Go, sa Lung Center of the Philippines magpapaturok si Duque habang sa Philippine General Hospital naman si Galvez.

Sinovac vaccine na galing China ang gagamitin sa dalawang opisyal.

Samantala, ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang first round ng vaccination sa unang linggo ng Marso.

Ayon kay Go, kabilang sa mga uunahin ang nasa listahan ng prayoridad ng pamahalaan.

Ang mga ito ay frontliners at mahihirap na senior citizen upang unti-unti na anyang makabalik sa normal ang bansa.

Ngayong unang linggo din anya ng Marso darating ang mga bakuna sa Visayas at Mindanao kaya maari na rin nilang simulan ang pagpapabakuna.

 

Read more...