Pinamamadali na ni Assistant Majority Leader at Iloilo City Rep. Julienne Baronda ang pagpasa ng Kamara sa panukalang Magna Carta for Barangay Health Workers.
Ayon kay Baronda, ang mga barangay health workers ay katuwang para sa paghahatid ng mga health services ng gobyerno.
Sa ilalim ng House Bill 1557 ni Baronda, isinusulong na mapalakas ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad sa pamamagitan ng pag-aatas sa mga LGUs na magtalaga ng hanggang limang barangay health workers na dadaan muna sa accreditation ng local health board.
Nakapaloob din sa panukala ang pagkakaloob ng benepisyo, incentives, allowances at pagtiyak ng security of tenure ng mga barangay health workers.
Sa ngayon ay ikino-consolidate na ng technical working group ang ipinasang substitute bill ng 39 na panukalang inihain para sa pagsusulong ng karapatan at dagdag na benepisyo para sa mga barangay health workers.