Derek Ramsey at Ellen Adarna isang buwan nang mag-on

(Courtesy: Derek Ramsey Instagram)

Sa wakas, umamin na sina Derek Ramsey at Ellen Adarna na sila na ngayon.

Sa panayam ng PEP.ph, inamin ng dalawang artista na mag-iisang buwan na ang kanilang relasyon.

“May relasyon kami, oo,” pahayag ni  Derek.

Ayon kay Derek, mayroon silang spark ni Ellen nang una silang magkina noong New Year’s dinner.

Aminado si Derek na sa isang buwang relasyon nila ni Ellen, nagkaroon na sila ng mga tampuhan.

Naging usap-usapan ang relasyon ng dalawa dahil sa mga post sa social media gaya sa Instagram.

Matatandaang kahihiwalay lamang ni Derek sa artistang si Andrea Torres habang si Ellen naman ay may anak sa aktor na si John Lloyd Cruz.

 

Read more...