PNP chief Sinas at PDEA chief Villanueva ipinatawag ni Pangulong Duterte

(Courtesy: Senator Bong Go)

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Philippine National Police chief Debold Sinas at Philippine Drug Enforcement Agency chief Wilkins Villanueva sa Malakanyang.

Ipinatawag ng Pangulo ang dalawang mataas na opisyal matapos ang nangyaring barilan sa pagitan ng mga pulis at PDEA agents sa Quezon City.

Base sa photo release na ipinalabas ni Senador Bong Go, kasama rin sa pagpupulong sina Justice Secretary Menardo Guevarra at Presidential Spokesman Harry Roque.

Una rito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte na tanging ang National Bureau of Investigation lamang ang magsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring barilan sa pagitan ng PNP at PDEA agents.

 

Read more...