Target ng Armed Forces of the Philippines na mabakunahan kontra Covid 19 ang 100 sundalo kada araw.
Ito ay kapag dumating na sa bansa ang 600,000 doses ng Sinovac vaccine at maumpisahan na ang vaccination program.
Ayon kay AFP Spokesman Major General Edgard Arevalo, sa ngayon, may lisatahan na ng mga sundalo ang Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas ng mga babakunahan.
Gagawin aniya ang pagbabakuna sa mga sundalo sa Cordillera Administrative Region, Regions 1,2, at 3.
Mayroon doin aniya silang accredited sites ng Department of Health sa National Capital Region, , Region 4 A at region 5.
Sa kabuuan, 72 vaccination teams ang ikakalat sa 47 na vaccination sites.
Karamihan aniya sa mga vaccination sites ay nasa loob ng mga kampo ng militar.
Ayon kay Arevalo, compulsory ang pagpapabakuna sa mga sundalo.
Gayunman, may karapatan naman ang mga sundalo na mamili ng brand ng bakuna.
Sa Pebrero 28, inaasahang darating na sa bansa ang 600,000 doses ng bakuna na gawa ng Sinovac ng China.