Covid 19 Vaccination Program Act of 2021, agad na lalagdaan ni Pangulong Duterte

Naghihintay na lamang ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Covid 19 Vaccination Program Act of 2021.

Ayon kay Senador Bong Go, chairman ng Senate committee on Health, layunin ng panukalang batas na mapabilis ang pagbili at ppagturok ng bakuna kontra Covidd 19 pati na ang indemnity fund.

“Ine-expect ko po na bukas mapipirmahan ito agad ng Pangulo dahil ito ang hinihintay ng ating vaccine czar at ng mga (vaccine) suppliers po … kapag dumating ‘yan sa lamesa ng Presidente sigurado wala pa isang oras pipirmahan na n’ya ‘yan,” pahayag ni Go.

Nakapaloob din sa panukalang batas ang pagplantsa ng mga proseso para sa pagbili ng bakuna ng local government units.

“Nagmadali kami noong nakaraang Martes. We voted on third reading and it was signed yesterday by the respective leaderships of both Houses and I heard it was already transmitted to the Office of the President yesterday,” pahayag ni Go.

“I’m sure the Office of the Executive Secretary will be working on it, and will be soon signed by the President,” dagdag ni Go.

 

Read more...