Family Day sa Maynila, suportado ni Mayor Isko

Suportado ni Manila Mayor Isko Moreno ang plano ng Department of Tourism (DOT) na buksan ang mga parke sa lungsod para sa pagdaraos ng ‘Family Day’ isang beses kada linggo.

“Of course, we want to support [domestic] tourism, lalo na ngayon. At least kahit papaano may madudulot na negosyo at trabaho ‘yan. If there is an open space, an alternative for the people to go to, we’ll support it,” pahayag ni Mayor Isko.

Kaugnay nito, bukas na para sa publiko mula noong February 17 ang ilang mga pasyalan sa Intramuros gaya ng Fort Santiago, Casa Manila Museum at Baluarte de San Diego.

Gayunman, ang mga indibidwal na may edad na 15-65 years old lamang ang maaaring makapasok dito.

Giit pa ni Mayor Isko, layunin ng Manila LGU na magamit ang mga open public spaces sa lungsod tungo sa pagtitiyak na may maayos na kabuhayan ang mga taga-Maynila maging sa gitna ng pandemya.

Aniya, makatutulong din umano ito sa muling pagbuhay sa lokal na ekonomiya ng lungsod.

Read more...