Pagdating sa bansa ng Sinovac vaccine, sasaksihan ni Pangulong Duterte

Photo taken from UNB via The Daily Star/Asia News Network

Personal na sasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng 600,000 doses ng bakuna kontra Covid 19 na gawa ng kompanyang Sinovac ng China,

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Sa Linggo, Pebrero 28 darating ang mga bakuna sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Kasama ng Pangulo ang ilang cabinet officials at ilang kinatawan ng embahada ng China.

Una nang sinabi ni Roque na nais ni Pangulong Duterte na personal na masaksihan ang pagdating ng mga bakuna bilang pagpapakita ng utang na loob sa China.

 

Read more...