Kaso ng COVID 19 sa Pilipinas nadagdagan ng 2,269

Umakyat na sa 568,680 ang naitalang kaso ng COVID 19 sa bansa matapos madagdagan ng 2,269 ngayon araw.

May 32,437 na aktibong kaso o 5.7 porsiyento ng kabuuang bilang at 94.5 porsiyento sa mga ito ay mild cases at asymptomatic.

Nadagdagan naman ng 738 ang gumaling sa nakakamatay na sakit o 524,042 sa kabuuan.

Samantala, may 72 ang namatay kayat 12,201 na ang kabuuang bilang ng nasawi.

Kaugnay naman nito, inanunsiyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na handa ang gobyerno na maglabas pa ng karagdagang pondo para sa maagang pagdating sa bansa ng mga bakuna.

Nabatid na 5.1 milyon lang ang inaasahang darating na bakuna sa unang bahagi ng taon.

 

Read more...