Inanunsiyo ng Malakanyang na sa darating na araw ng Linggo, Pebrero 28, darating na sa bansa ang donasyon na bakuna ng gobyerno ng China.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque ang paunang 600,000 doses ng Sinovac ay bunga ng magandang relasyon ng dalawang bansa.
Aniya binabalak na may mga opisyal na tatanggap ng mga donasyong bakuna.
Kinumpirma naman ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang pagdating ng mga bakuna sa Linggo.
“Both teams have been working round the clock to make it happen,” aniya.
Sabi pa nito, “a friend in need is a friend indeed. The donation of vaccines is another testament to the solidarity as well as profound friendship and partnership between our two peoples and two countries.”
Binanggit naman ni Roque na maaring magsimula na sa mga tauhan ng Philippine General Hospital ang pagtuturok ng Sinovac sa Marso 1.