“We need to look into this further. It is very alarming that this is not the first time that such a ‘misencounter’ has happened. The National Capital Region Police Office (NCRPO) did admit that this has happened numerous times. These ‘misencounters’ should be rare, not common,” ayon kay Hontiveros.
Naniniwala ang senadora na may kakulangan ng koordinasyon sa dalawang kampo at naniniwala siya na may nagpabaya.
Binanggit nito ang napakalaking intelligence funds ng dalawang ahensya, P856 milyon sa PNP at P500 milyon naman sa PDEA.
Pagdidiin ni Hontiveros dapat ay isapubliko ng Board of Inquiry ang buo at totoong detalye ng pangyayari.
“Nasaan yung nile-legitimate anti-drug operation or nasaan yung bina-buy bust operation. Sino sila? All those details are needed just to put the public’s mind and heart at rest about the very dramatic and traumatic ‘misencounter’ that happened last night,” sabi pa niya.