Pirmado ng minority senators – Frank Drilon, Franc Pa ngilinan at Risa Hontiveros, ang Resolution No. 658, gayundin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.
Ikinatuwiran ng mga senador, posible naman ang kanilang hinihiling dahil sa pamamagitan ng teleconferencing ay nakadalo sa mga pagdinig sa kanyang mga kaso sa Muntinlupa City.
Dagdag pa nila, hindi naman ipinagbabawal sa mga nakakulong na mambabatas na gawin ang kanilang trabaho hanggang hindi sila lumalabas ng kulungan.
Binanggit sa resolusyon ang desisyon ng Korte Suprema noong 2008 kay Sen. Antonio Trillanes IV na noon ay nakakulong din sa Camp Crame dahil sa kasong mutiny.
“In 2010, the Senate adopted Resolution No. 7 and concurred with the opinion of the Senate Legal Counsel that the collective wisdom and judgment of the Senate is greatly diminished, if not impaired, even if only one seat in the Senate is made unnecessarily vacant,” ang nakasaad din sa resolusyon.
Higit apat na taon na sa kulungan ang senadora base sa mga drug-cases, na iginigiit na gawa-gawa lang at panggigipit sa kanya ng kasalukuyang administrasyon.
Isa sa tatlong kaso niya ang ibinasura dahil sa kabiguan ng prosekusyon na magprisinta ng mga matitibay na ebidensiya at testimoniya.