Pinuri at binigyan parangal ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang walo sa kanilang traffic enforcers dahil sa katapatan at kabutihang loob.
Binigyan ng certificate of commendation sina Traffic Enforcers Ernesto Bungay Jr; Junathan Salmingo; at Charmaine C-Zeil Balmores matapos silang magsoli ng isang pitak na naglalaman ng ATM cards sa Quezon City noong nakaraang Enero 4.
Pitaka din ang isinoli nina Enforcers Mark Anthony Aguilar at Romero Owen, kapwa nakatalaga sa Central Traffic Enforcement District 1, sa Makati City noong Enero 24.
“We commend our traffic personnel for their exemplary and admirable character of truthfulness. Their act is worthy of emulation,” sabi ni Abalos.
Samantala, tinulungan naman nina Mobile Patrol Unit members Roel Bayaua, Marlon Natada at Eddie Rosal ang isang pamilya na nasiraan ng sasakyan sa EDSA – Munoz area noong Pebrero 9 at binigyan sila ng certificates in recognition.
“Their noble act and willingness to extend assistance to anyone in time of need are manifestations of their high sense of dedication to duty as agents of person in authority and portrayal of model public servants,” sabi pa ni Abalos.