US FDA: Anti-COVID 19 vaccine ng Johnson & Johnson epektibo kahit sa ‘new variants’

J&J FB PHOTO

Inanunsiyo ng US Food and Drug Administration (FDA) na ang single-shot Johnson & Johnson vaccine ay napaka-epktibo para maiwasan maging ang bagong variants ng COVID 19.

Sa mga dokumento na ipinalabas ng US FDA, ang naturang bakuna ay may 85.9 percent efficacy rate sa US, 87.6 percent sa Brazil at 81.7 percent sa South Africa.

Magpupulong ang isang independent panel, ayon sa ahensya, para pagbotohan kung bibigyan awtorisasyon ang Johnson & Johnson na magamit sa US ang naturang bakuna kasunod ng Pfizer at Moderna.

Base sa isinagawang clinical trials, wala rin kapansin-pansin na pagkakaiba ng epekto ng bakuna sa ibat-ibang lahi at edad.

Wala rin napaulat na severe allergic reactions sa mga naturukan ng nabanggit na bakuna bagamat may moderate reactions gaya ng pananakit ng ulo, pagkapagod at muscle pains.

Ayon kay White House Coronavirus Response Coordinator Jeff Zients kapag nabigyan ng awtorisasyon, sa susunod na linggo ay mamamahagi na sila ng tatlo hanggang apat na milyon doses.

Read more...