Mga mag-aaral nawawalan na ng gana sa blended learning – surveys

DEPED PHOTO

Halos 4.4 milyon bata at kabataan sa bansa ang hindi nag-enroll para sa School Year 2020 – 2021 base sa resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS).

Kasabay nito ang pagbubunyag na padami nang padami sa mag mag-aaral ang nawawalan ng gana.

Bukod dito, ayon sa mga guro, nagdududa sila kung talagang may natutunan ang lahat ng kanilang mga estudyante sa ikinakasang blended learning system.

Base sa pa rin sa SWS survey, 87 % o 29.8 milyon sa mga edad 5 hanggang 20 ang nasa eskuwelahan at ang natitirang 13 porsiyento ay hindi nag-aaral.

Isinagawa ang survey mula noong nakaraang Nobyembre 21 hanggang 25 at ito ay may 1,500 respondents.

Wala naman datos na inilalabas ang Commission on Higher Education (CHEd) sa tunay na bilang ng mga nag-aaral sa kolehiyo.

Sa kabuuang bilang ng mga nag-aaral, 80 porsiyento o 23.8 milyon ay patuloy na nag-aaral sa pamamagitan ng printed learning modules, 4.3 milyon naman ay nasa online learning system, 302,000 ang nasa face-to-face classes at may 38,000 na nag-aaral ng leksyon sa pamamagitan ng telebisyon at radyo.

Read more...