Naitalang COVID-19 cases sa Central Visayas, nasa 37,396 na

Nagkaroon pa ng 457 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang February 24, 37,396 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 6,433 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 324 ang bagong gumaling kung kaya 29,410 na ang COVID-19 recoveries.

May 12 namang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,553 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...