Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (February 24), 11,176 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 460 ang aktibo pang kaso.
23 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 10,685 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 31 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES