DPWH, itinangging may fundraising sila para sa mga senior citizen

dpwh-LOGOMariing itinanggi ng Department of Public Works and Highways ang napapabalitang nagbebenta ang ahensya ng ticket, bilang fundraising activity para sa mga senior citizen.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, nakatanggap sila ng ulat na may mga indibidwal na nagpapanggap bilang isang opisyal o kawani ng DPWH.

Ang mga ito ay nagbebenta umano ng raffle ticket para raw sa Senior Citizens Fundraising event.

Aniya, walang kinalaman ang DPWH sa ticket selling at maging sa fundraising event na ito.

Mahigpit aniyang ipinagbabawal ng kalihim ang anumang porma ng solicitation sa kanilang mga regional at district engineering offices sa buong bansa.

Panawagan ng kalihim, sakaling may lumapit at magpakilala bilang kawani ng DPWH, at mag-alok ng raffle ticket, huwag na raw mag -alinlangan pa at tumawag na ng otoridad.

Read more...