Nagsagawa ng marijuana eradication sa dalawang marijuana plantation site sa Asturias, Cebu araw ng Miyerkules, February 24.
Sanib-pwersa sa operasyon ang CPPO-PIU/CPPO-PDEU, PDEA RO 7 Cebu Province, 1st PMFC, at Asturias Municipal Police Station sa bahagi ng Barangay Kaluangan.
Bandang 7:20 ng umaga, nasira ng mga awtoridad ang 11,250 marijuana plants sa unang site na may lawak na 800 square meters.
Mayroon itong estimated value na P4,500,000.
Makalipas ang ilang oras dakong 10:30 ng umaga, nakuha naman ang 10,500 marijuana plants sa unang site na may lawak na 650 square meters.
Tinatayang nagkakahalaga ito ng P4,200,000.
Nakatakas naman ang cultivators na sina Jay-r Camaogay (first site) at Johnny Escarpe alyas “Yungko” (second site), matapos matunugan ang pagdating ng mga awtoridad.
Kasong paglabag sa Section 16, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.