REELE, RMELE muling itinakda sa Sept. 2021

Muling nagtakda ng bagong schedule ng Registered Electrical Engineers Licensure Examination (REELE) at Registered Master Electricians Licensure Examination (RMELE).

“Due to the unpredictable circumstances and continued restrictions brought by the extended community quarantines and to ensure the health and safety of all examinees and examination personnel,” paliwanag ng Professional Regulation Commission (PRC).

Gaganapin sana ang REELE sa April 20 hanggang 21, 2021 habang ang RMELE naman ay sa April 22, 2021.

Sinabi ng PRC na gagawin na ang REELE sa September 5 hanggang 6, 2021 habang ang RMELE naman ay sa September 7, 2021.

Magsisimula ang aplikasyon para sa REELE sa June 4, 2021 hanggang August 4, 2021.

Para naman sa RMELE, magiging bukas ang aplikasyon sa June 4, 2021 hanggang August 6, 2021.

Para sa mga karagdagang katanungan, maaaring magpadala ng e-mail sa Licensure Division sa licensure.division@prc.gov.ph at licensure.office@prc.gov.ph.

Read more...