Pag-aresto sa mga muslim ng walang warrant of arrest, pinaiimbestigahan sa Kamara

Nagpahayag ng pagkahabala si House Deputy Speaker Mujiv Hataman sa mga napaulat na pag-aresto sa mga Muslim sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite.

Tanong ni Hataman, kung ito ay epekto ng umiiral na Anti-Terrorism Law o insidente ng matinding diskriminasyon sa mga Muslim.

Mistula aniyang Batas Militar ang nangyari dahil nang-aresto ang mga awtoridad ng walang warrant of arrest.

Dahil dito, pinaiimbestigahan ni Hataman sa Kamara ang insidente.

Pinagpapaliwanag din nito ang National Intelligence Coordinating Agency o NICA, at ang National Capital Region Police Office o NCRPO hinggil sa paghuli sa mga Muslim ng walang warrant of arrest at hindi dumaan sa “due process.”

Muslim na mga galing Basilan ang pito mula 11 na inaresto mula sa isang construction site sa Bacoor, Cavite noong February 17 ng madaling araw at hindi pa alam kung saan dinala.

Giit ni Hataman, kung sila ay hinuli dahil sa hinihinalang terorismo, dapat sana’y ipagbigay-alam ito sa kanila o sa kanilang mga kaanak upang mabigyan ng tulong-legal o assistance dahil may karapatan pa rin sila sa ilalim ng batas, inosente man o hindi.

Read more...