Moreno, hinikayat ang mga pulitiko na may tarpaulin na alisin sa Maynila

Manila PIO photo

Hinihikayat ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga pulitiko na may mga tarpaulin sa iba’t ibang lansangan na kusang tanggalin na lamang ito.

Ayon kay Mayor Isko, nagiging katatawanan na kasi ng mga taga-Maynila ang mga tarpaulin.

Ilan sa mga nagkalat na tarpaulin ang ‘Run, Sara, Run’ na humihikayat kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbong pangulo ng bansa.

Ayon kay Mayor Isko, mahirap para sa isang pulitiko ang walang attachment sa tao o sa nga botante.

Read more...