Bilang ng aktibong COVID-19 cases sa Eastern Visayas, nasa 354

May 52 pang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (February 24), umakyat na sa 15,303 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 354 o 2.31 porsyento ang aktibong kaso.

48 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 14,732 o 96.27 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 217 na ang mga residenteng nasawi o 1.42 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...