Pagbalanse sa ekonomiya kailangan ayon kay Rep. Salceda

Iginiit ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na kailangang balansehin ang pagtugon sa supply-side at demand-side upang gumulong ang ekonomiya ng bansa.

Sa pulong ng House Committee on Economic Affairs na tumatalakay sa P420 billion Bayanihan to Arise as One Act o Bayanihan 3, sinabi ni Salceda na malaki ang posibilidad na makakabangon ang ekonomiya sa oras na matugunan ng pamahalaan ang problema sa presyo ng pagkain at masimulan ang COVID-19 vaccination program.

Pinatitiyak ni Salceda na sa ilalim ng Bayanihan 3 ay magkaroon ng grants sa agriculture at fisheries sector, partikular na sa meat sector.

Malaki aniya kinakaharap na problema ngayon ng mga hog raisers dahil sa epekto ng African Swine Flu, na siyang nakaapekto naman sa pagbaba ng supply sa mga pamilihan sa gitna ng mataas demand.

Mahalaga rin aniyang matiyak ang pagkakaroon ng pondo sa logistics at grants sa mga local government units para sa kanilang vaccination capability.

Sinabi ni Salceda na kalahati lamang ng problema sa buong vaccination chain ang pabili ng mga bakuna kontra COVID-19.

Kailangan aniya na magkaroon ng P70 billion pa na karagdagang standby funds para sa actual rollout ng mga bakuna, bukod pa sa inilaan na P75 billion para sa vaccine procurement.

Read more...