19 anyos na estudyante, winner ng P32.9-M jackpot sa lotto

 

Mula sa pcso.gov.ph

Kinubra na ng 19-anyos na college student ang kanyang napanalunang P32.9 milyon sa Mega Lotto 6/45 noong Marso 28.

Sinabi ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rohas II,residente ng Pasig City ang panibagong multi-milyunaryo.

Kinuha aniya ng lotto bettor ang mga numero sa edad at petsa ng kaarawan ng mga miyembro ng kanyang pamilya.

Siya ang nag-iisang tumaya sa winning number combination na 20-24-19-44-16-30.

Nagkakahalaga ng P40 ang kanyang taya nang mapanalunan ang jackpot.

Sa kabila ng pagkapanalo, nangako aniya ang 19-anyos na estudyante na ipagpapatuloy ang pag-aaral.

Read more...