Nakaaapekto pa rin sa silangan ng Northern Luzon ang Tail-end ng Frontal System habang Northeast Moonson o hanging Amihan naman mararanasan sa iba pang bahagi ng Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Aurora ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dulot ng Tail-end ng Frontal System.
Ang Batanes naman kasama ang Babuyan Island ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang light rains dahil sa Amihan.
Ang Cordillera Administrative Region at Ilocos Region at magkakaroon ng bahagya maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat nap ag-ulat dahil ng umiiral na Amihan.
Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated nap ag-ulan ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa dulot ng easterlies at localized thunderstorms.
Ang araw ay sumikat ganap na 6:16am habang inaasahang lulubog dakong 6:03 ng gabi.