Magnitude 5.2 na lindol yumanig sa Sarangani, Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental, Miyerkules ng umaga.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig dakong 6:52 ng umaga.

Nasukat ito sa layong 318 kilometro Silangan ng bayan ng Sarangani.

May lalim ang lindol na 79 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala naming naitalang intensity sa sasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...