6 na manggagawa, dinukot sa Butig, Lanao Del Sur

 

Mula sa Wikipedia

Anim na manggagawa ng isang saw mills sa Butig, Lanao del Sur ang dinukot umano ng mga aramadong grupo na nakabase sa naturang lalawigan.

Ayon kay Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command, sapilitang tinangay ang mga biktima sa Bgy. Sandab.

Nakilala ang mga biktima na sina Tado Hanobas, Buloy Hanobas, Makol Hanobas, Gabriel Hanobas, Adonis Hanobas at isang nagngangalang alyas Isoy.

Pinaniniwalaan ng mga otoridad na mga miyembro ng Maute group ang pasimuno ng pagdukot.

Ang Maute group ay sinasabing grupo na sumusuporta sa Islamic State na nagsimulang mag-operate sa lalawigan noong nakaraang buwan lamang.

Matatandaang noong Marso, nakaengkwentro na rin ng puwersa ng pamahalaan Maute group sa bayan ng Butig.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo s alikod ng pagdukot ng grupo sa mga biktima.

Read more...