2 nasawi sa aksidente sa Sta. Rosa Laguna, kinilala na

 

Kuha ni Jay Dones

Kinilala na ng mga otoridad ang dalawang call center agent na nasawi makaraang mahagip ng humaharurot na pampasaherong bus sa sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna Martes ng umaga.

Pinangalanan ng Laguna Provincial Police Office ang mga nasawing biktima na dead on the spot sa pinangyarihan ng aksidente na sina John Patric Go at Gennin Navarro Landicho ng Tanauan, Batangas, pawang mga empleyado ng IBM Corp. sa Nuvali technohub.

Ayon sa imbestigasyon, katatapos lamang ng mga biktima sa night shift at tinatawid ang kahabaan ng Sta. Rosa-Tagaytay road dakong alas 5:30 ng umaga nang masalpok ang mga ito ng bus ng Jam Liner transit.

Dahil sa matinding impact, tumilapon pa ang dalawang biktima ng ilang metro na dahilan ng agarang pagkasawi ng mga ito.

Tinangka namang tumakas ng hindi kinilalang driver makaraan ang aksidente ngunit sumuko rin kalaunan sa mga otoridad.

Read more...