Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (February 23), umabot na sa 564,865 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 29,817 o 5.3 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,411 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
88.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.7 porsyento ang asymptomatic; 0.84 porsyento ang moderate; 2.5 porsyento ang severe habang 2.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 16 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,107 o 2.14 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 72 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 522,941 o 92.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.