Umabot sa P357 bilyon ang nawala sa kita ng gobyerno dahil sa pagpupuslit ng mga produuktong-petrolyo.
Ito ang nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means at ayon kay Albay Rep. Joey Salceda ito ay mula 2010 hanggang 2017.
Binanggit nito ang datos mula sa UN Conference on Trade and Development na sumirit ang oil smuggling mula 2010 hanggang 2017 bago ang fuel marking sa ilalim ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion o TRAIN Law.
Ngunit sabi pa nito, bago pa man maipatupad ang naturang batas at bagamat bumaba ang oil smuggling, tumaas pa rin ang halagang nawalang kita dahil sa siningil na bagong excise taxes sa batas sa mga produktong-petrolyo.
Sinabi pa ni Salceda na madaling maisagawa ang oil smuggling sa freeport zones dahil mas maluwag ang fuel markings dahil hindi ito sakop ng Bureau of Customs..
Posible din aniya pinagmumulaan ng smuggling ang custom bonded warehouses kayat apila lang niya sa Department of Finance na bumuo ng ‘Task Force Paihi’ para labanan ang oil smuggling.