‘Economic Cha-cha’ isinalang na sa plenaryo ng Mababang Kapulungan

Naumpisahan na sa plenaryo ng Kamara ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses No. 2 na layon mabago ang sinasabing ang sinasabing restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Sa sponsorship speech ni Rep. Alfredo Garbin Jr., ang namumuno sa Committee on Constitutional Amendments iginiit nito na dahil sa mahigpit na polisiyang pang-ekonomiya ng Saligang Batas, nasasakripisyo ang kapakanan ng sambayanan.

Paliwanag niya na base sa mga posisyon ng eksperto, itinataboy ng mahigpit na economic provisions ang mga dayuhan na nais mamuhunan sa bansa.

Ayon naman kay Albay Rep. Joey Salceda, napapagiwanan ng Vietnam ang Pilipinas dahil sa mga mahigpit na probisyon kayat mayaman pa ang average Vietnamese sa mga Filipino.

Dagdag pa niya, naghihigpit ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan ngunit kontrolado  ng oligarkyo ang pagnenegosyo ang ekonomiya ng Pilipinas kayat tangi sila lang ang nakikinabang.

Sa naturang resolusyon, pinaaamyendahan ang probisyon na naglilimita sa foreign ownership ng ilang partikular na negosyo sa bansa tulad ng mass media, pubic utility, educational institutions, investments at capital foreign investors.

Nakasaad sa resolusyon na iniakda ni House Speaker Lord Allan Velasco ang pagsingit sa katagang “unless otherwise provided by law” sa ilang sections ng Articles 12, 14 at 16 ng Saligang Batas.

Read more...