Pagkilos ng Bagyong Auring bahagyang bumagal

Bahagyang bumagal ang galaw ng Tropical Storm Auring habang kumikilos patungong Kanluran Hilagang-Kanluran na direksyon sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Namataan ng PAGASA kaninang 7am ang sentro ng bagyong Auring sa layong 370 km, Silangan ng Hinataun, Surigao del Sur.

Taglay pa rin nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pabugso na aabot sa 80 kilometro kada oras.

Bukas ng umaga inaasahang nasa layong 15 kilometro ng Kanluran Hilagang-Kanluran ng Guiuan, Eastern Samar ang bagyo at sa Martes ng umaga ito ay tinatawang nasa 70 km ng Coron, Palawan.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa central at southern portions ng Eastern Samar kabilang ang Sulat, Taft, San Julian, Borongan City, Maydolong, Balangkayan, Balangiga, Lawaan, Llorente, Hernani, General Macarthur, Quinapondan, Giporlos, Salcedo, Mercedes, Guiuan, Dinagat Islands, Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands

Ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ay nakataas sa mga sumusunod na lugar:

Luzon

Sorsogon, Masbate including Ticao at Burias Islands, Albay, Catanduanes, eastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Sagnay, Buhi, Iriga City, Nabua, Bato, Balatan)

Visayas

Northern Samar, the rest of Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, northern and central portions ng Negros Occidental (Kabankalan City, Himamaylan City, Binalbagan, Isabela, Moises Padilla, Hinigaran, La Castellana, Pontevedra, San Enrique, La Carlota City, Pulupandan, Valladolid, Bago City, Murcia, Bacolod City, Talisay City, Silay City, Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Escalante City, Toboso, Calatrava, San Carlos City, Salvador Benedicto), the eastern portion of Iloilo (San Rafael, Barotac Viejo, Lemery, Ajuy, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles), eastern portion ng Capiz (Roxas City, Panitan, Ma-Ayon, Cuartero, Dumarao, Panay, Pontevedra, President Roxas, Pilar)

Mindanao

Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, at Bukidnon

 

 

 

 

 

 

 

Read more...