Lima patay sa sunog sa Tondo, Maynila

Lima ang nasawi habang limang iba pa ang nasugatan sa sunog na tumupok sa tinatayang 300 bahay sa 662 Area F, Gate 20, Parola Compound, Tondo, Manila.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jake Loyola, 37 anyos, may-ari ng bahay , mga anak nito na sina Noah Loyola, 3 taong gulang, Kiefer Loyola, 8 taong gulang , dalawang anak ng kanyang kinakasama na sina Jeric Tigas, 12 anyos at Richard Tigas, 10 taong gulang.

Sugatan naman sina Cyrus Frank, 9 na taong gulang na nagtamo ng 2nd degree burn, Sonny boy jovita, 23 anyos, Rea Adriatico, 37 anyos, Rodulfo Cadigal Jr., 44 anyos at Marbin Alperes.

Nagsimula ang sunog dakong 11:53 ng gabi ng Sabado sa 2nd floor ng bahay ng mga Loyola na umabot sa 4th alarm at idineklarang fire out 6:11, linggo na ng umaga.

Nahirapan ang mga pamatay-sunog na puksain ang apoy dahil sa pawang yari sa light materials ang mga nasunog na bahay bukod pa sa dikit-dikit ang mga ito.

Nawalan ng tirahan ang nasa 600 pamilya dahil sa sunog.

Tinatayang aabot sa P3 million ang iniwang pinsala nito.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.

 

Read more...